Paliwanag ni Sotto, sa loob ng maraming taon ay nagsusuot siya ng Arab costume sa tuwing Haloween special ng Eat Bulaga.
Sa katunayan, sinabi ni Sotto na ang kanyang Arab costume ay bigay ng isang Sheikh mula sa Riyadh at hiniling sa kanya sa isuot ito.
Buwelta ni Sotto sa mga kritiko, maraming tao ang nagko-costume ng mala-pari, madre o kahit mismong Santo Papa.
Pero kung nirerespeto ang isinusuot, iginiit ni Sotto na walang masama rito.
Pinayuhan naman ni Sotto ang mga nagrereklamo sa kaniyang pagsusuot ng Arab costume sa Eat Bulaga na lawakan ang research hinggil Halloween para wala raw silang ‘misplaced sensitivities.’
Nauna nang umalma si ARMM Governor Mujiv Hataman sa Arab costume ni Sotto, maging ng isa pang Eat Bulaga host na si Joey De Leon, at sinabing ‘act of ignorance at insensitivity’ ang ginawa ng dalawa.