27 mangingisda, nawawala sa karagatang sakop ng WPS

By Ricky Brozas September 19, 2018 - 10:01 AM

Nagpapatuloy ang isinasagawang search and rescue operation ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos makatanggap ng inpormasyion mula sa AFP Western Command (WESCOM) kaugnay sa 27 mangingisdang nawawala sa Southeast ng Rizal Reef, West Philippine Sea.

Ayon kay PCG Spokesman Capt. Armand Balilo, itinigil muna nila ang search and rescue operations sa mga nawawalang mangingisda dahil sa sama ng panahon at malalaking alon.

Paliwanag pa ni Balilo, nasagip din ng isang Fishing Boat 217 ang isang mangingisdang si Teddy Apat at nailipat na rin sa sasakyan ng PCG.

Sa ngayon, nasa ligtas namang kalagayan si Apat habang patuloy pa rin hinahanap ang 27 mga kasamahan nito.

TAGS: Mangingisda, PCG, West Phillipine Sea, Mangingisda, PCG, West Phillipine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.