70 barangay sa Pampanga, lubog pa rin sa baha

Hindi bababa sa 70 barangay ang nananatiling lubog sa baha kahit na apat na araw na ang nakakalipas matapos manalasa ang Bagyong Ompong.

Sa bayan ng Candaba, may taas na 15 talampakan ang baha sa 11 barangay.

Dahil dito, napipilitan ang mga residenteng gumamit ng bangka sa lugar.

Ganito rin ang sitwasyon sa mga bayan ng Macabebe at Masantol dahil maging ang mga eskuwelahan, lubog pa rin sa baha.

Ayon sa Department of Education (DepEd), magbibigay ng alternatibong learning modules para sa mga estudyante sa lugar.

Paliwanag naman ng mga otoridad, posibleng abutin ng dalawa hanggang tatlong linggo bago tuluyang humupa ang baha sa lugar.

Read more...