Task group binuo para sa pagpatay sa isang volunteer reporter

By Erwin Aguilon November 01, 2015 - 04:49 PM

 

crime-scene-e1400865926320Bumuo na ang Quezon City Police District ng task force na mag-iimbestiga sa pamamaslang sa volunteer reporter ng radio station DWIZ.

Ayon kay Quezon City Police District Director C/Supt. Edgardo Tinio, aalamin ng task force kung may kinalaman sa trabaho bilang mamahayag ang pamamaslang sa biktimang si Jose Bernardo.

Pag-aaralan din anya ng task group ang CCTV footage sa malapit na fast food chain sa North Olympus, Barangay Kaligayahan, Quezon City kung saan binaril hanggang sa mapatay ang biktima.

Nakatayo ang biktima sa harap ng isang restaurant nang huminto ang isang motorsiklo lulan ang dalawang lalaki at pinagbabaril ito ng malapitan.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa kanyang ulo at katawan na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.