18 mangingisda patay sa pag-atake sa Red Sea sa Yemen

By Dona Dominguez-Cargullo September 19, 2018 - 06:31 AM

Nasawi ang labingwalong mangingisda makaraang atakihin ng mga armadong grupo ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Yemen sa bahagi ng al-Khoukha port.

Ayon sa kaanak ng mga biktima, isa lamang sa grupo ng mga mangingisda ang nakaligtas nang atakihin ng isang warship ang kanilang fishing boat.

Agad namang itinanggi ng Saudi-led coalition na Houthi group na sila ang nasa likod ng pag-atake.

Tinawag ng tagapagsalita ng grupo na walang basehan ang mga ulat na ang mga tauhan nila ang tumarget sa bangka.

Iniimbestigahan na ngayon ng mga otoridad ang pangyayari at kinukuhanan ng pahayag ang mangingisdang nakaligtas.

TAGS: Red Sea, Yemen, Red Sea, Yemen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.