Mga Pinoy sa Guangdong, China ligtas sa pananalasa ng TY Mangkhut
Ligtas ang mga Pinoy sa pananalasa ng Typhoon Mangkhut sa Guangdong China.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), binayo ng Mangkhut ang naturang lalawigan sa China noong Lunes.
Pinayuhan naman ni Consul General Marshall Louis M. Alferez ang lahat ng miyembro ng Filipino Community sa Guangdong na manatili sa mga bahay at maging alerto at making sa abiso ng mga otoridad.
Ayon kay Consul General Alferez, umabot sa mahigit 2.5 million na katao ang inilikas sa Guangdong.
Sinuspinde rin ang operasyon ng mahigit 29,000 na construction sites at isinara ang aabot sa 640 na tourist spots.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.