Isang LPA sa labas ng PAR posibleng maging bagong bagyo – PAGASA

By Rhommel Balasbas September 19, 2018 - 05:24 AM

Isang weather system na tinatawag na inter-tropical convergence zone (ITCZ) ang umiiral sa bansa sa kasalukuyan.

Dahil sa ITCZ, may serye ng low pressure area (LPA) na binabantayan ang PAGASA kung saan ang isa ay posibleng maging bagong bagyo at pumasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes o Sabado.

Samantala, ang isang low pressure area naman sa labas din ng bansa ay papasok bukas ngunit unti-unti ring malulusaw.

Isang cloud circulation naman ang namataan loob ng PAR na magdadala ng maulap na kalangitan sa ilang bahagi ng bansa.

Ngayong araw, ang Metro Manila, MIMAROPA, CALABARZON, Bicol Region, Aurora at buong Visayas ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Habang sa nalalabing bahagi ng Luzon at buong Mindanao ay makararanas ng maalinsangang panahon na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

TAGS: #weatheradvisory, Pagasa, #weatheradvisory, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.