Senador Manny Pacquiao inihalal bilang chairman ng Senate Committee on Ethics

Naihalal si Senador Manny Pacquiao bilang chairman ng Senate Committee on Ethics na dumidinig sa mga reklamo laban sa mga senador.

Si Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang nag-move ng pagboto kay Pacquiao na pinalitan si Senate Presidente Tito Sotto bilang pinuno ng komite.

Walang senador na tumutol sa pagpili kay Pacquiao kaya inaprubahan ni Sotto ang mosyon at ginawang pormal ang chairmanship nito.

Si Sotto ang chairman ng ethics committee noong si Senator Koko Pimentel ang Senate President.

Bilang tradisyon ay walang hinahawakan na anumang komite ang pinuno ng Senado dahil miyembro na siya ng bawat panel.

Ang Committee on Ethics ang may hurisdiksyon sa lahat ng isyung kinapapalooban ng Senado at mga miyembro nito.

Ang iba pang miyembro ng naturang komite ay sina Senators Panfilo Lacson, Gringo Honasan, Grace Poe, Risa Hontiveros, Bam Aquino at Sherwin Gatchalian na uupo naman sa pwestong nabakante ni Pacquiao.

Read more...