Ikatlong bangkay narekober sa Tullahan River

By Len Montaño September 19, 2018 - 12:00 AM

Contributed photo

Natagpuan na ang katawan ng ikatlong bata na nahulog sa Tullahan River sa Valenzuela.

Ayon kay rescue officer Lerissa Aquino ng Valenzuela disaster management office, nakilala ang bangkay ng 10 anyos na si Rheniel Tejadilla.

May natanggap aniyang report ang Disaster Risk Reduction and Management Office ng syudad ukol sa nakitang bangkay sa ilog alas 3:30 Martes ng hapon.

Bago dito ay unang nakita ang bangkay ng 2 kasama ni Tejadilla na sina Jillian Saud at Kerby Tejadilla na parehong 10 anyos.

Noong Linggo ay naglalaro ang 3 nang mahulog sila sa Tullahan River at anurin ng malakas na water current ng ilog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.