Roxas may suhestyon kay Pangulong Duterte sa isyu sa presyo ng bigas

By Rhommel Balasbas September 19, 2018 - 12:57 AM

Time out muna sa alitan sa pulitika.

Ito ang apela ni dating senador at Interior Secretary Mar Roxas kay Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pagbibigay niya ng suhestyon kung paano mapapababa ang presyo ng bigas sa merkado.

Sa isang pahayag sa Facebook, sinabi ni Roxas na matindi ang problema ng P50 kada kilo na presyo ng bigas na posible anyang lumala pa dahil sa pinsala ng bagyong Ompong.

Kaya suhestyon ng senador, dadagan ang suplay ng bigas para mapababa ang bigas sa pamamagitan ng pag-utos ng pangulo na taasan ang Minimum Access Volume sa 1.5 metric tons mula sa 805,200 metric tons.

Ayon kay Roxas, dapat ay payagan din ang pribadong sektor na mag-import ng bigas.

Dapat din anyang hilingin ng gobyerno sa fast food at supermarket chains na mag-angkat ng sarili nilang mga pangangailangan upang hindi na makihati pa sa national stockpile.

Nais din ng dating opisyal na idagdag ang pamilya ng mga magsasaka sa conditional cash tranfer (CCT) program.

Pinakakansela din ni Roxas ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law at ang pagtaguyod sa industrialized farming para madagdagan ang capital investment sa sektor ng agrikultura.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.