Posibleng pag-atake sa Russian plane ng ISIS, dapat imbistigahan ayon sa UN
Mariing kinundina ni United Nations Secretary General Ban Ki-Moon ang posibleng pag-atake sa Russian plane na ikinamatay ng mahigit dalawang daang pasahero nito.
Ayon kay Ban, nagdadalamhati siya sa pagkasawi ng mga biktimang lulan ng eroplano na bumagsak sa Sinai, Egypt.
Nakikiramay aniya siya sa mga kaanak ng mga nasawi, maging sa mga bansang concerned.
Sinabi ni Ban na may nakarating sa kanyang report na ang Islamic State o IS ang umaako ng responsibilidad sa plane crash.
Sinadyang targetin daw ang Russian plane at patayin ang lahat ng mga pasahero nito, bilang paghihiganti ng mga terorista sa military operations ng Russia sa Syria.
Pero giit ni Ban, kailangan ng full investigation sa pagbagsak ng eroplano sa lalong madaling panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.