Bomb threat sa Mapua, false alarm lamang
Sinuspinde ang klase at trabaho sa mga opisina sa loob ng Mapua University sa Intramuros, Maynila kahapon matapos bulabugin ng bomb threat.
Ayon sa pamunuan ng Mapua, bandang alas-4:21 ng hapon nang makatanggap si SG Ernesto Caasi ng report mula isang construction worker na nakatanggap umano ito ng text tungkol sa bomba na nasa loob ng unibersidad.
Dahil dito ay agarang inireport ang insidente sa mga otoridad at kasabay nito ay pinalikas ang mga nasa loob ng unibersidad upang hanapin ang bomba.
Alas-6:20 ng gabi nang matapos ang paghahalughog ng mga pulis sa loob ng unibersidad, ngunit wala namang nakitang anumang pampasabog.
Batay sa Tweet ng pamunuan ng Mapua, balik na sa normal ang klase at pasok sa mga opisina ngayong araw ng Miyerkules, September 19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.