Nakatakdang magbigay ng nasa P125.06 milyong ayuda ang European Union (EU) sa Pilipinas bilang tulong sa mga biktima ng Bagyong Ompong.
Sa pahayag ni EU Commissioner for Humanitarian Aid and Crisis Management Christos Stylianides, sinabi nitong suportado ng EU ang mga mamamayan ng Pilipinas na karamihan sa ngayon ay nangangailangan ng tulong dahil sa epektong ng Bagyong Ompong.
Kabilang sa ayuda na ibibigay ay pabahay, relief items, pagkain, water and sanitation at humanitarian protection para sa pinakanaapektuhan ng bagyo o yaong mga nawalan ng bahay dahil sa hangin, pagbaha at pagguho ng lupa.
Sinabi ng EU na makikipag-ugnayan ito sa iba pang humanitarian organizations na kasalukuyang nang nasa mga apektadong lugar.
Isang EU humanitarian expert na rin ang idineploy sa mga bayan na sinalanta ng bagyo para magsagawa ng assessment sa mga pangangailan sa mga lugar na ito.
Inilabas ng emergency satellite mapping service ng EU na ‘Copernicus’ ang mapa ng pinakanaapektuhang mga lugar.