UP nagbabala sa mga naglipanang bagong schedule para sa UPCAT

By Justinne Punsalang September 19, 2018 - 12:57 AM

Binalaan ng pamunuan ng University of the Philippines (UP) ang mga applicants para sa 2019 UP College Admission Test (UPCAT) dahil sa mga naglalabasang bagong petsa ng UPCAT exam.

Sa Facebook post ng UPCAT-UP System, sinabi na ang mga naglipanang bagong schedule para sa UPCAT ay hindi official.

Ayon pa sa pamunuan ng UP, sa ngayon ay hindi pa naisasapinal ang bagong schedule ng exam, dahil tinitingnan pa muna nila ang mga kundisyon ng test centers sa buong bansa.

Payo ng UP, manatiling nakaantabay sa kanilang official announcement tungkol sa mga bagong dates ng UPCAT exam na manggagaling lamang sa UP Office of Admissions sa pamamagitan ng kanilang official Facebook page at university website.

Matatandaang ipinagpaliban ang UPCAT bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong Ompong nitong nakalipas na linggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.