Radio station manager at news director, timbog sa pangingikil

By Rhommel Balasbas September 19, 2018 - 02:56 AM

Nadakip sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang station manager at news director ng Bombo Radyo General Santos dahil sa pangingikil.

Ayon sa NBI, ikinasa ang operasyon laban kina Jonathan Macailing, Station Manager, at Salvador Galano, News Director, alas-3:00 ng hapon ng Martes sa isang mall sa GenSan.

Nanghihingi umano ng P10 milyon si Macailing kay Pastor Joel Apolinario, founder ng Kapa Community Ministry, kapalit ng pagtigil sa mga isyung ibinabato laban sa sekta.

Bago pa man ito ay nakapagbigay na ng P400,000 si Apolinario kay Macailing.

Hindi na nakapalag pa ang dalawa sa mga operatiba ng NBI hawak-hawak ang P5 milyong halaga ng pera mula sa pastor sa operasyon kahapon.

Iginiit ni Macailing na frame up lamang ang nangyari at hindi totoo ang bintang laban sa kanya.

Samantala, hawak na ng NBI Sarangani District Office ang dalawa at nahaharap sa kasong robbery extortion.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.