Unang Fil-Am actor wagi sa 70th Emmy Awards

AP

Gumawa ng kasaysayan ang actor na si Darren Criss matapos maging kauna-unahang Filipino-American actor na nanalo sa Emmy Awards.

Inuwi ni Darren ang outstanding lead actor in a limited series or movie award sa 70th Emmys para sa kanyang pagganap bilang Andrew Cunanan sa TV series na “The Assassination of Gianni Versace: American Crime Story.”

Sa kanyang acceptance speech, sinabi ng actor na isang pribilehiyo para sa kanya na makasama sa isang lugar ang mga taong nag-inspire sa kanya at mga taong itinuturing niyang mga idolo.

Nagpasalamat rin si Darren sa direktor ng serye na si Ryan Murphy dahil sa tiwalang ibinigay nito sa kanya.

Read more...