Drug suspek na nanlaban sa mga pulis sa CamSur, patay

By Justinne Punsalang September 19, 2018 - 03:19 AM

Nasawi ang isang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na gamot matpaos manlaban sa mga pulis sa Barangay Binanuaanan sa bayan ng Pili, Camarines Sur.

Nakilala ang suspek na si Deolito Lastrollo.

Ayon kay Chief Inspector Maria Luisa Calubaquib na tagapagsalita ng Bicol Regional Police, hapon ng Martes nang maganap ang operasyon kung saan mismong sa bahay pa ni Lastrollo naganap ang transaksyon.

Nang makaramdam na pulis ang kausap, binunot ng suspek ang kanyang kalibre 38 revolver at pinaputukan ang mga otoridad, na silang gumanti rin ng putok.

Tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinasawi ng suspek na dinala pa sa Bicol Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.