Lalaking nambubugbog ng kinakasama arestado sa Pasay City

By Justinne Punsalang September 19, 2018 - 02:50 AM

Kalaboso ang isang lalaki matapos ireklamo ng kanyang kinakasama ng pambubugbog sa Barangay 178 sa Maricaban, Pasay City.

Kinilala ang suspek na si Alexander Saclet, 38 taong gulang.

Ayon sa mga elemento ng Pasay City Police, hatinggabi ng Miyerkules nang dumulog ang isang babae sa kanilang himpilan at sinabing binubugbog ito ng kanyang kinakasamang si Saclet.

Kwento ng biktima, dala umano ng pagseselos ang paulit-ulit na pambubugbog sa kanya ng suspek.

Dahil dito ay agad na dinakip si Saclet na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and Children Act of 2004.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.