Sr. Patricia Fox, tumestigo laban sa Duterte admin sa international tribunal court

By Rhommel Balasbas September 19, 2018 - 02:17 AM

INQUIRER FILE PHOTO | JOAN BONDOC

Isa ang Australian missionary na si Sr. Patricia Fox sa mga tumestigo sa pagdinig ng International People’s Tribunal (IPT2018) sa Brussels, Belgium sa umano’y mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Tatlumpu’t isa ang nakalistang magbibigay ng testimonya kasama na si Fox at ang isang isang sultan sa Marawi na si Hamidullah Atar.

Ang hearing ay nakatakda mula kahapon, Martes, hanggang ngayong araw, September 19.

Isang video recording ng testimonya ni Fox ang iprinesenta sa international court ni Atty. Kathy Panguban, isa sa mga abogado ng madre.

Isinalaysay ni Fox ang panggigipit na nararanasan dahil sa deportation na iniutos mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit ng madre na ang ginawa niyang pagtindig para sa mga naaapi tulad ng mga manggagawa ay bahagi ng kanyang pagiging relihiyoso.

Sinabi pa ng madre na kaya nais ng pangulo na mapaalis siya sa bansa ay dahil sa pagiging sensitibo nito sa mga kritisismo lalo na sa mga anya’y lumulobong pag-abuso sa karapatang pantao sa Mindanao.

Samantalang, ipinagsawalang-bahala naman ng Malacañang ang ulat na isang sultan ang magbibigay ng testimonya laban sa administrasyon at sinabing propaganda lamang ito ng mga makakaliwang grupo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.