82 patay, 71 nawawala dahil sa bagyong Ompong ayon sa PNP

By Justinne Punsalang, Len Montaño September 19, 2018 - 04:07 AM

Umakyat sa 82 ang bilang ng namatay sa Bagyong Ompong habang 71 iba pa ang nawawala batay sa datos na inilabas ng Philippine National Police (PNP) Public Information Office.

Sa tala ng PNP, karamihan ng casualties ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) na may 68 patay.

Sumunod ang Region 1 na 10 ang patay, Region 2 na 2 ang nasawi at tig-isa sa Region 1 at National Capital Region (NCR).

Karamihan ng missing persons ay mula rin sa CAR kung saan 68 ang nawawala habang 2 ang nawawala sa Region 1 at sa NCR ay 1.

Ayon sa PNP, ang landslides sa Benguet dahil sa malakas na ulan at hanging dala ng Bagyong Ompong, lalo na sa Baguio at Itogon, Benguet, ang dahilan ng lumubong death toll sa CAR.

Batay sa huling tala, na 49 ang bilang ng nasawi sa landslide sa Itogon, Benguet, 11 sa Baguio City, 6 sa Mountain Province, tatlo sa La Trinidad, Benguet, isa sa Tuba, at isa rin sa Kalinga.

Habang tumatagal ay lumiliit ang tsansa na may mailigtas pa sa landslide kung saan hanggang Martes ay nasa 16 na ang narekober na bangkay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.