Isabela isinailalim sa state of calamity
Idineklara na ang state of calamity sa buong lalawigan ng Isabela matapos itong bayuhin ng bagyong Ompong.
Batay sa huling datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), mahigit P7 bilyon ang iniwang pinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura, habang P118 milyon naman ang sa mga imprastraktura.
Samanta, sa bayan ng Kayapa sa Nueva Vizcaya ay pinag-aaralan na rin ng lokal na pamahalaan ang pagdedeklara ng state of calamity.
Ito ay dahil nasa 10 mga barangay pa ang hindi mapasok ng mga otoridad dahil sa mga gumuhong lupa sa kasagsagan ng bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.