Barangay captain patay sa pamamaril sa Pangasinan

By Justinne Punsalang September 19, 2018 - 03:34 AM

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang barangay chairman matapos itong pagbabarilin sa Barangay Capaoay sa bayan ng San Jacinto, Pangasinan.

Kinilala ang nasawi na si Edward Ronquillo na papauwi lamang sana sa kanyang bahay sakay ng motorsiklo nang biglang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin.

Sinubukan pang dalhin sa ospital si Ronquillo ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga dotkor.

Ayon kay San Jacinto Municipal Police chief, Senior Inspector Mark Ryan Taminaya, naituro ng isang saksi sa pamamaslang ang suspek mula sa listahan ng mga wanted.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng manhunt operation ang pulisya upang maaresto ang suspek.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa pamamaslang, partikular ang motibo nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.