NPA nanggulo sa isang bayan ng Nueva Ecija

By Justinne Punsalang September 19, 2018 - 04:03 AM

Binulabog ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang Barangay Labi sa Bayan ng Bongabon, Nueva Ecija.

Ayon kay Northern Luzon Commant (NOLCOM) spokesperson Major Ericson Bulosan, pinaputukan ng 10 mga rebelde ang Army patrol base ng 70th Infantry Battalion Cadre kahapon.

Ngunit matapos makipagputukan ng mga sundalo ay agad ding tumakas ang mga rebelde.

Maswerteng walang nasugatan sa hanay ng pamahalaan dahil sa engkwentro.

Nasa lugar ang mga sundalo upang tumulong sa humanitarian at relief efforts sa pananalasa ng bagyong Ompong.

Sa ngayon ay hindi pa inaako ng NPA ang pag-atakte.

Samantala, nagpadala ng mga miyembro ng 91st Infantry Battalion upang tugisin ang mga armadong kalalakihan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.