Drug suspek patay sa operasyon sa Bulacan

By Justinne Punsalang September 19, 2018 - 02:32 AM

(UPDATED AS OF 3:33AM) Dead on the spot ang isang lalaking drug suspek matapos manlaban sa mga otoridad sa kahabaan ng Quirino Avenue na sakop ng Barangay Sto. Cristo sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Kinilala lamang ang suspek sa alyas na Ronel, habang nakatakas naman ang kanyang tatlong mga kasmahan.

Ayon kay SJDM Police Chief, Police Superintendent Fitz Macariola, pagdating sa lugar kung saan nakatakdang maganap ang transaksyon ay inabutan ng mga pulis ang tatlong hindi pa nakikilalang mga kalalakihan sa kalagitnaan ng pot session.

Ngunit bago pa magkaabutan ay nakatunog si alyas Ronel na pulis pala ang kanyang katransaksyon.

Dahil dito ay bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga otoridad, na sila namang gumanti ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng suspek.

Ginamit naman ng mga lalaking gumagamit ng droga ang pagkakataon upang tumakas.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre 45 baril, isang selyadong sachet ng shabu, at dalawang gamit na pakete ng shabu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]