DSWD: 26,000 na pamilya nasa evacuation centers pa rin dahil kay Ompong
Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na marami pa ring sinalanta ng Bagyong Ompong ang nananatili sa mga evacuation center.
Sa pinahuling ulat ng DSWD ngayong hapon, nasa 26,661 na pamilya o 100,457 na indibidwal ang patuloy na nakatira sa mga evacuation center sa ibat ibang bahagi ng Luzon.
Sa kabuuan, mayroon pa aniyang 936 na aktibong evacuation center sa Region 1 hanggang 3, Calabarzon at Cordillera Administrative Region (CAR).
Samantala, sinabi din ng DSWD na naka-uwi na ang mga sinalantang residente sa Metro Manila at Mimaropa at lahat ng evacuation center dito ay sarado na.
Nauna dito ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiyakin na mabibigyan ng tulong ang lahat ng mga sinalanta ng Bagyong Ompong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.