Agawan sa liderato ng House Minority nai-raffle na sa Supreme Court

By Alvin Barcelona September 18, 2018 - 04:01 PM

Si Supreme Court Associate Justice Jose Reyes ang napili para duminig sa agawan sa minority leadership sa Kamara.

Patungkol ito sa petisyon na inihain ni Ilocos Norte Representative Rodolfo Fariñas at mga kaalyado nito na kunukuwestiyon sa pagbibigay ng minority leadership kay Quezon Rep. Danilo Suarez.

Sa petisyon ni Fariñas, iginiit nito na si ABS Partylist Rep. Eugene De Vera ang kilalanin na minority leader sa halip na si Suarez.

Si Reyes na dating justice ng Court of Appeals ang pinaka- junior sa hanay ng mga mahistrado at pang-lima sa appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Korte Suprema.

Kanina sa en banc session ay nagpasya ang Supreme Court na pag-aralan muli ang kaso kung maglalabas ito ng temporary restraining order, hihingi ng komento sa mga respondents o tuluyan itong idismiss ang petisyon dahil sa kawalan ng hurisdiksyon.

TAGS: farinas, house minority, jose reyes, suarez, Supreme Court, farinas, house minority, jose reyes, suarez, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.