Hindi na itutuloy ni Ozamis City Police Chief Jovie Espenido ang kanyang naunang plano na tumakbobilang mayor sa lungsod.
Sa halip ay itutuloy na lamang niya ang kanyang kampanya na linisin ang Ozamis City sa problema sa iligal na droga.
Nauna nang inilutang ng nasabing opisyal ng Philippine National Police na gusto niyang labanan sa darating 2019 local election si Ozamis City Mayor Girlette Suansing.
Imbes na pulitika, nagpasya si Espenido na tapusin na lamang ang kanyang career bilang pulis kung saan ay mayroon pa siyang pitong taon bago ang mandatory age of retirement na 56.
Nauna dito ay napatay ng grupo ni Espenido si Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog na iniuugnay sa operasyon ng iligal na droga sa malaking bahagi ng Mindanao.
Lumutang rin ang pangalan ni Espenido makaraang mapatay sa bilangguan si dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.