Mabilis na rehab project inilatag ng NEDA sa mga sinalanta ng bagyo
Naglatag na ng plano ang National Economic and Development Authority (NEDA) para sa rehabilitasyon ng mga lugar na napinsala ng bagyong Ompong.
Sinabi ni Socio-Economic Planning Sec. Ernesto Pernia na sila ang mamamahala sa Rehabilitation and Recovery Program (RRP) bilang vice-chairman for rehabilitation ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Kaugnay nito ay inatasan na ng kalihim ang kanilang mga regional offices na mag-sumite ng kanilang mga plano para sa tulong na ibibigay sa rehabilistasyon ng mga lugar na sinira ng bagyo.
Kasama rin sa kanilang gagawin ang formulation sa livelihood program para sa mga mamamayan na nasa loob ng mga lugar na pininsala ng bagyong Ompong.
Bilang bahagi ng Post-Disaster Needs Assessment ay magsasagawa rin ng estimate ang NEDA para sa halaga ng rehabilistasyon ng mga gagawing proyekto at ang economic impact ng nagdaang bagyo.
Prayoridad ngayon ng pamahalaan ayon sa kalihim na gumawa ng mga makabagong evacuation centers bilang pagtalima sa Philippine Development Plan 2017-2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.