Malacañang nanindigan na “pork-free” ang 2019 national budget
Binigyang-diin ng Malacañang na walang pork barrel na nakapaloob sa panukalang P3.757 Trillion na national budget para sa susunod na taon.
Nauna na kasing pinag-awayan ng ilang mga kongresista ang sinasabing P55 Billion na insertions sa loob ng proposed national budget.
Mismong si executive Sec. Salvador Medialdea ang nagsabi na hindi totoo na may pork na isiningit sa budget dahil ayaw na ayaw ito ng pangulo.
Kahapon ay nauwi sa sigawan ang pagtatalo sa Kamara makaraang pumalag si House Appropriations Committee Chairman karlo Nograles sa dahil gusto umanong ipaalis ni Majority Leader Rolando Andaya ang P55 Billion na “pork” na isiningit sa budget.
Nilinaw ni Nograles na gagamitin ang nasabing pondo sa ilang itinurong proyekto mismo ng Malacañang.
Kahapon ay nasa Kamara rin ang mga economic manager ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinaliwanag sa mga kongresista nina Budget Secretary Benjamin Diokno, Finance Secretary Carlos Dominguez, at Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na pork-free ang panukalang budget at ito ay aprubado ng pangulo.
Nauna dito ay sinabi ni Sen. Ping Lacson na naiita niyang may insertions sa 2019 budget at ito umano ay hindi niya palulusutin oras na tumuntong sa Senado ang talakayan sa national budget.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.