Ang video ay kuha sa harapan ng tahanan ng senador noong Sept. 11.
Sa nasabing video makikita ang isang SUV na mabagal na dumadaan sa harapan ng kaniyang tahanan.
May pagkakataon pa na huminto ang sasakyan at tila nakatingin ang driver nito sa bahay ng senador.
Simula nang bawiin ni Pangulong Duterte ang amnestiya na ipinagkaloob sa kaniya ay nanatili sa senado si Trillanes.
Ito ay sa kabila ng pagtitiyak ni Pangulong Duterte na hindi siya ipadadampot nang walang warrant of arrest mula sa korte.
WATCH: Video ng sasakyang umaaligid sa kaniyang bahay, ipinakita ni Sen. Trillanes IV | @donadominguez pic.twitter.com/hsr5LuBRf6
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 18, 2018