Video ng sasakyang umaaligid sa kaniyang bahay, ipinakita ni Sen. Trillanes

By Dona Dominguez_Cargullo September 18, 2018 - 12:43 PM

Nagpakita si Senator Antonio Trillanes IV ng CCTV footages ng sasakyan na umano ay nagmamatyag sa kaniyang bahay.

Ang video ay kuha sa harapan ng tahanan ng senador noong Sept. 11.

Sa nasabing video makikita ang isang SUV na mabagal na dumadaan sa harapan ng kaniyang tahanan.

May pagkakataon pa na huminto ang sasakyan at tila nakatingin ang driver nito sa bahay ng senador.

Simula nang bawiin ni Pangulong Duterte ang amnestiya na ipinagkaloob sa kaniya ay nanatili sa senado si Trillanes.

Ito ay sa kabila ng pagtitiyak ni Pangulong Duterte na hindi siya ipadadampot nang walang warrant of arrest mula sa korte.

TAGS: cctv, senator antonio trillanes, cctv, senator antonio trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.