Dingdong Dantes sinagot na ang mga tanong kung tatakbo siyang senador

By Jimmy Tamayo September 18, 2018 - 12:13 PM

Tinapos na ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes ang ispekulasyon tungkol sa umanoy plano niyang pagtakbo sa pagka-senado sa 2019 elections.

Ginawa ito ni Dantes nang mag-reply siya sa Facebook message ng komedyanteng si Ogie Diaz.

Sa post ni Diaz sa kanyang “Mama Ogs Answers” sa Facebook kahapon, September 17, tahasang sinabi ng aktor sa pamamagitan ng kanyang FB account na Jose Sixto Gonzalez Dantes III na hindi siya tatakbong senador.

Ayon kay Dantes, nagpapasalamat siya sa tiwala pero hindi aniya siya tatakbo bilang Senador.

Matagal nang umuugong ang balita na may planong pumasok sa pulitika si Dantes makaraang lumabas ang pangalan niya sa senatorial line-up ng Liberal Party.

Noong isang linggo, inusisa naman ng movie press ang misis ng aktor na si Marian Rivera na tila nagpahiwatig ng posibilidad na pumaimbulog na sa pulitika si Dantes.

Napabalita din na kinukuha si Dantes para naman tumakbo bilang vice mayor ng Quezon City.

TAGS: Dingdong Dantes, Radyo Inquirer, Dingdong Dantes, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.