Nagkasundo ang iba’t ibang grupo ng militante, religious group at pulisya para sa mapayapang paggunita sa deklarasyon ng Martial Law ng rehimeng Marcos sa Biyernes, Setyembre 21.
Sa ginanap na dialogue sa Club Intramuros, na dinaluhan nina NCRPO chief, Director Guillermo Eleazar at Manila Police District Director Rolando Anduyan, inilatag ng pulisya ang paghahanda sa seguridad at kaayusan, deployment ng police personnel at iba pa.
Inirekomenda rin ng MPD na isagawa ang aktibidad sa Quirino Grandstand habang sa Burnham Green na lamang ang mga Pro-Duterte group.
Magpapakalat ng apat na libong police personnel kasama na rito augmentation and force multipliers.
Tiniyak ni Eleazar na paiiralin nila ang maximum tolerance.
Sa kanilang panig, tiniyak ni Teddy Casiño ng Bayan Muna na tatalima sila sa napagkasunduan gaya ng pagkuha ng permiso sa venue ng rally mula sa lokal na pamahalaan ng Maynila.