Mga mayor na missing-in-action sa kasagsagan ng Ompong, mananagot DILG

By Jong Manlapaz September 18, 2018 - 11:32 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Mahaharap sa parusa ang mga mayor na absent o hindi matagpuan habang na nanalasa ang bagyong Ompong.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Asec. Jonathan Malaya, sa ngayon pinag-aaralan na nila ang mga performance ng mga mayor sa kasagsagan ng panalalasa ng bagyo.

Ito ay base na rin sa module na “Oplan Listo” na pinamahagi nila sa mga mayor bilang gabay kapag may tumatamang kalamidad sa bansa.

Kapag nakumpirma nila na absent ang isang mayor papadalhan nila ito ng show cause order.

At kung mapatunayan na nagpabaya sila sa tungkulin habang nananalasa ang bagyo, posible silang maharap sa kasong administratibo.

Tumanggi naman si Malaya na pangalanan ang mga mayor na absent habang binabayo ng bagyong ompong ang bansa.

Pero sa pagtaya ng DILG, sa ngayon mayroong sampung mayor na MIA o missing-in-action habang bumabayo ang Ompong sa kanilang lugar.

Nilinaw naman ng DILG na ang mga susuriin lamang ay mga mayor sa mga lugar na kasama sa mga inilabas na babala ng PAGASA.

TAGS: DILG, local government units, Ompong, DILG, local government units, Ompong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.