LOOK: Nasirang bahagi ng Tuguegarao Airport, naiayos na

DOTr Photo

Naisaayos na ang nasirang bahagi ng Tuguegarao Airport na sinalanta ng bagyong Ompong.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) ligtas na para sa mga pasahero ang Passenger Terminal Building (PTB) ng paliparan dahil naiayos na ang nasirang kisame at mga salamin.

Dahil dito, muli nang binuksan para sa commercial operations ang airport.

Ilang araw ding isinara ang Tuguegarao Airport matapos na masira ang bahagi ng PTB.

 

Read more...