Dalawang IED natagpuan sa Basilan

By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2018 - 09:47 AM

Natagpuan ang ng mga tauhan ng barangay ang dalawang improvised explosive device sa bahagi ng Ungkaya Pukan sa Basilan.

Pawang mga miyembro ng Barangay Peace Action Team ang nakakita sa IED na nakalagay sa bote na mayroong laman na ammonium fuel oil, 1.5 meters na detonating cord, blastinv cap at dalawang pressure type switch.

Ayon sa 18th Infantry Batalion ng Philippine Army, kumpleto na ang component ng IED para mapasabog.

Natagpuan ang IED sa Barangay Kamumburingan habang nagsasagawa ng land mine clearing operations ang mga taga-barangay.

Posible namang gawa ng Abu Sayyaf Group ang IED at layunin nitong makapanakit ng sibilyan.

TAGS: Basilan, IED, Ungkaya Pukan, Basilan, IED, Ungkaya Pukan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.