Naniniwala si PHILVOCS Director Renato Solidum na panahon na upang magtalaga ng technical working group si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-aaral para sa mga evacuation center na dapat na maitayo, sa gitna na rin ng mga nagaganap na kalamidad sa bansa.
Sinabi ni Solidum na kailangang ikunsidera ng pamahalaan ang paglalagay ng mga evacuation center upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga casualty sa sandaling tumama ang mga malalakas na bagyo sa bansa at iba pang kalamidad gaya ng lindol.
Nabatid kay Solidum na ilan sa mga evacuation center ay nakatayo sa fault lines kaya dapat mailigtas sa posibleng kapahamakan ang mga mamamayan.
Marami aniyang dumarating na kalamidad sa bansa kaya kailangan ang masusing pag-aaral at ang pangmatagalang solusyon sa mga suliranin.
Bagaman aniya may regular na earthquake drill, ngunit posibleng iba ang magaganap kapag mayroon ng aktuwal na nangyayari.