Inilunsad na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang “Tulong sa Bayan Suking Outlet” kung saan makabibili ng mas murang halaga ng produkto ang mga mamimili.
Pinangunahan ni DTI Sec. Ramon Lopez ang paglulunsad ng tindahan sa Brgy. Commonwealth.
Mabibili sa rolling store ang mga basic commodities partikular na ang mga gulay na mas mura ang halaga.
Ilan lamang sa mga mabibili sa rolling store ay ang mga sumusunod:
Calamansi – 10 kada balot
Camote – 55/kg
Carrots – 200/kg
Mais na dilaw – 55/kg
Pipino – 55/kg
Talong – 60/kg
Bawang na buo – 10 kada balot
Bawang na talop na – 60/kg
Luya – 90/kg
Luyang dilaw – 55/kg
Kangkong – 10 kada tali
Okra – 5 kada tali
Sibuyas na pula – 10 kada balot
Sibuyas na puti – 10 kada balot
Ang halaga naman ng manok ay mabibili sa DTI Suking Outlet sa halagang P120 per kilo.
May mabibili ring NFA Rice sa NFA on Wheels na ang halaga ay P27 kada kilo.
Ang Suking Outlet ay bukas ngayong araw mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon sa SB Park sa naturang barangay.