Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines tuluy-tuloy ang kanilang pagsisikap para maibalik ang suplay ng kuryente sa lahat ng naapektuhang lugar.
Sa ngayon, mayroong 22 line gangs and augmentation teams ang NGCP na binubuo ng 200 engineers at support personnel ang naka-deploy sa buong Luzon.
Ngayong araw, target ng NGCP na mapadaluyan na ng kuryente ang natitira pang 23 kilovolt line sa Benguet at sa Sept. 24 ang target nilang complete restoration sa lahat ng nasalanta ng Ompong.
As of Sept. 18 ng umaga, hindi pa rin gumagana ang sumusunod na transmission lines ng NGCP:
Itogon-Ampucao 23kV Line
Customer/s Affected: BENECO
Date/Time Out: 15 September / 3:02AM
Magapit-Sta. Ana 69kV Line
Customer/s affected: CAGELCO II
Date/Time Out: 14 September / 10:49PM
Tuguegarao-Magapit 69kV Line
Customer/s affected: CAGELCO I & CAGELCO II
Date/Time Out: 14 September / 10:56PM
Magapit-Camalaniugan 69kV Line
Customer/s affected: CAGELCO II
Date/Time Out: 14 September / 10:56PM