Pagtanggap ng refugees ng US lilimitahan sa hanggang 30,000 na lamang mula 2019
Simula sa taong 2019, lilimitahan na lang sa 30,000 ang bilang ng refugees na tatanggapin sa Estados Unidos mula sa kasalukuyang limit na 45,000.
Ayon kay US Secretary of State Mike Pompeo, ito ang napagkasunduan sa ilalim ng bagong refugee ceiling.
Ang refugee ceiling na itinakda para sa taong 2018 sa US na 45,000 ang pinakamababa sa rekord mula taong 1980.
Magugunitang sa kampanya noong 2016, sinabi ni US Pres. Donald Trump na magiging mahigpit siya sa usapin ng immigration.
Hindi rin inilihim ni Trump ang layunin niyang bawasan ang pagtanggap ng refugee.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.