Paggiba sa Old Sta. Mesa Bridge sisimula na

Sarado na simula kagabi ang Old Sta. Mesa Bridge na nagdudugtong sa Maynila at San Juan.

Mahigit 50 taon na ang tulay kaya kailangang isailalim na sa pagkukumpuni.

Gigibain ang tulay at papalitan ng bago.

Dahil dito inabisuhan na ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga motorista na maghanap ng ibang ruta.

Ayon sa MMDA para sa mga regular na dumadaan sa lugar kailangan nilang magdagdag ng 30 hanggang 45 minutes sa oras ng kanilang biyahe.

Read more...