Silangan ng Visayas at Mindanao apektado ng ITCZ – PAGASA
Intertropical convergence zone ang nakaaapekto ngayong araw sa silangang bahagi ng Visayas at ilang bahagi ng Mindanao.
Sa Weather forecast ng PAGASA, ang ITCZ ay magdudulot ng maulap na kalangitan na mayroong kalat-kalat na pag-ulan sa sa Eastern Visayas, CARAGA at Zamboanga Peninsula.
Ang nalalabi namang bahagi ng Visayas, Mindanao at buong Luzon kasama na ang Metro Manila ay magkakaroon ng mainit at maalinsangang panahon maliban na lamang sa mga saglit na pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa thunderstorms.
Ayon sa PAGASA, ang ITCZ kadalasang nagiging breeding ground ng Low Pressure Area kaya binabantayan nila ang ITCZ sa silangan ng Mindanao sa posibilidad na may mabuong LPA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.