Undas hindi panahon ng katatakutan

 

Photo by Jun Corona
Photo by Jun Corona

Hindi dapat gawing katatakutan ang All Saints Day o araw ng mga santo.

Ito ang naging panawagan ni Fr. Francis Lucas, pangulo ng Catholic Media Network bilang tugon sa tila maling gawi ng ilang mga tao kapag ginugunita ang Undas.

Paliwanag ni Fr. Lucas, ginugunita sa tuwing All Saints Day ang mga santo o mga banal na mga namayapa na, habang ginugunita naman sa All Souls Day ang mga kaluluwa ng mga namayapa na nasa purgatoryo.

Ang Nobyembre a-uno aniya ay nakalaan lamang para sa santo na puro at busilak ang puso at nakapasa na sa mga panuntunan ng pagiging alagad ng Diyos.

Nagsisilbi aniya silang ‘intercessor’ ng mga buhay para sa panginoon kung kayat ipinagdarasal din natin ang tulong nila para sa mga nabubuhay pa dito sa lupa.

Samantala, kinumpirma rin ni Fr, Lucas na may mga kaluluwa pang hindi matahimik, sila umano iyong mga nagpaparamdam sa mga buhay sa pamamagitan ng panaginip.

Pero kung may kaluluwa aniya na magpakita sa buhay, iyon marahil ay kagagawan ng diyablo at hindi mismo ng taong namayapa na.

Dahil dito sinabi ng pari na mahalagang patatagin ang pananampalataya sa Diyos, pagdarasal at pagdadala ng santo rosaryo, medalya at pampleta ng dasal na may basbas para i-adya tayo sa anumang kapahamakan.

Read more...