3-araw na pagbisita sa Pyongyang ni Moon Jae-in simula na ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2018 - 06:26 AM

Reuters Photo

Isasagawa ngayong araw ang ikatlong summit sa pagitan nina South Korean President Moon Jae-in at North Korean leader Kim Jong-un.

Ito ang unang pagkakataon na magtutungo sa Pyongyang si Moon at nakatakda siyang umalis ng Seongnam Air Base sa Seoul alas 8:40 ng umaga.

Alas 10:00 ng umaga naman inaasahang darating siya sa Pyongyang ayon sa kaniyang chief of staff na si Im Jong-seok.

Tatlong araw mananatili sa Pyongyang si Moon at layunin ng summit na ituloy ang pag-uusap tungkol denuclearization.

Pagdating sa Pyongyang sasalubungin si Moon ni Kim. Matapos ito isang welcome dinner ang ibibigay kay Moon na inaasahang pangungunahan din ni Kim.

Sa Miyerkules ay magaganap ang pag-uusap ng dalawa.

Magugunitang noong April 27 at May 26 ay nagkita ang dalawang lider sa border village na Panmunjom para sa una at ikalawang pulong nila.

TAGS: Kim Jong un, korea, Moon Jae In, Radyo Inquirer, summit, Kim Jong un, korea, Moon Jae In, Radyo Inquirer, summit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.