Long-term assistance sa mga magsasakang hinagupit ng bagyong Ompong itinutulak sa Senado

Sinabi ni Senador Grace Poe na dapat bigyan ng gobyerno ng pangmatagalang tulong ang mga magsasakang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Ompong.

Sinabi ni Poe na maganda na nabibigyan ng relief goods ang mga magsasaka ngunit ito aniya ay sandaling tulong lang.

Suhestiyon ng senadora ang dapat na agaran maibigay din sa mga magsasaka ang mga punla o buto na kanilang magagamit sa pagtatanim kapalit ng nasalanta nilang tanim.

Dagdag mungkahi pa ni Poe dapat ay laging isaisip ang kahalagahan ng mga lokal na magsasaka sa suplay ng pagkain hindi lang ng bigas, sa bansa.

Naniniwala si Poe na dapat ay bigyan din ang mga magsasaka ng diskuwento sa mga produktong petrolyo para sa kanilang mga gamit, mabilis na pagbabayad sa kanila ng seguro sa kanilang mga pananim, at pagpapalawig ng pagbabayad sa kanilang utang.

Read more...