Manny Pacquiao kinumpirma ang negosasyon sa laban nila ni Floyd Mayweather

Ibinunyag ni Senador Manny Pacquiao na gusto ni retired boxer Floyd Mayweather Jr., na magbalik sa boxing ring.

At ayon kay Pacquiao, nais ni Mayweather na siya ang makasuntukan sa kanyang pagbabalik.

Ayon sa Pambansang Kamao nagpapatuloy ang negosasyon sa muling paghaharap nila ni Mayweather.

Ibinahagi ni Pacquiao na pangunahing ikinukunsidera sa negosasyon ay ang petsa ng laban at aniya, sa Disyembre ang isa sa mga naiisip.

Tinalo ni Mayweather si Pacquiao sa pamamagitan ng unanimous decision sa kanilang paghaharap noong 2015.

Read more...