Kagawad patay sa pamamaril sa Masbate

Nasawi ang dalawa katao, kabilang ang isang kagawad, sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa dalawang bayan sa Masbate.

Kinilala ang nasawing barangay kagawad na si Ruben Cinco, 40 taong gulang, na residente ng Barangay San Pedro, sa San Pascual.

Batay sa ulat, anim na tama ng bala ang tumapos sa buhay ni Cinco.

Apat na hindi nakilalang mga armadong kalalakihan, na hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasa likod ng insidente.

Samantala, isang hindi pa nakikilalang lalaki ang pinagbabaril sa Barangay Bugang sa bayan ng Pio V. Corpus.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang limang basyo at isang bala ng kalibre 45 bala, isang basyo ng 9mm, at dalawang basyo ng M16.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa dalawang insidente ng pamamaslang.

Read more...