Drew Olivar naglabas ng public apology tungkol sa pambabastos sa sign language

By Justinne Punsalang September 18, 2018 - 01:03 AM

Mocha Uson Blog

Humingi ng paumanhin sa publiko ang blogger na si Drew Olivar matapos magviral muli sa isang video na ipinost ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson kung saan makikitang tila binabastos niya at ginagawang katatawanan ang sign language.

Ayon kay Olivar, naging insensitive at childish siya dahil sa kanyang ginawa.

Partikular na humingi ng tawad ang blogger sa deaf community, lalo na samga persons with disability (PWD).

Dagdag pa nito, hindi siya magdadahilan sa kanyang ginawang pagpapababa sa mga may kapansanan at alam niyang nagkamali siya.

Sa naunang deleted comment ni Olivar sa post ng isang netizen na kumukundena sa kanyang ginawa, nagpaliwanag ang blogger na sariling style ng sign language ang kanyang ginawa at hindi pambabastos. Ayon pa dito, ang naturang sariling style ng sign language ay ginagamit niya kapag nakikipag-usap sa kanyang PWD na tito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.