Malacañan dumistansya sa bagong kontrobersiyang kinakaharap ngayon ni Asec Uson

By Justinne Punsalang September 18, 2018 - 01:01 AM

Mocha Uson Blog Facebook

Hind nagkomento ang Pakasyo ng Malacañan kasunod ng bagong kinakaharap na isyu ngayon ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson at blogger na si Drew Olivar.

Nanghingan ng komento, sinabi ni Presidential Spokesperson na hahayaan niyang si PCOO Secretary Martin Andanar ang sumagot tungkol dito.

Ngunit ayon naman kay Andanar, kailangan niya munang kausapin ang kanyang team bago maglabas ng komento.

Samantala, sa kanyang Facebook page ay humingi na rin si Uson ng paumanhin sa deaf community.

Aniya, kasunod ng paglalabas ni Olivar ng kanyang public apology ay inaako niya rin ang responsibilidad sa ginawa nito sa kanyang video.

Gamit ang sign language ay humingi ng tawad si Uson sa mga miyembro ng deaf community na nasaktan sa pagbibiro ni Olivar.

Sa hiwalay naman na post ay sinabi ni Uson na sa susunod na magkakasama sila ni Olivar ay mas gagabayan niya ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.