7 patay matapos gumamit ng droga sa music festival sa Vietnam

By Justinne Punsalang September 18, 2018 - 12:39 AM

AFP

Pito ang nasawi habang lima namang comatose matapos gumamit ng ipinagbabawal na gamot sa isang electronic dance music festival sa Hanoi, Vietnam.

Naganap ang insidente sa kasagsagan ng “Trip to the Moon” festival sa loob ng Vietnam Electronic Weekend sa West Lake Water Park sa Hanoi.

Ikinagulat ng mga otoridad ang insidente at ayon sa mga ito, maituturing ang pangyayari na ‘deadliest’ drug-related incident sa bansa.

Sinasabing ang ginamit ng mga Vietnamese partygoers ay synthetic drug na hindi pa batid kung ano ang laman.

Ayon kay Hanoi Police deputy director Nguyen Van Vien, hanggang sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad kung anong klaseng droga ang ginamit.

Ayon pa sa mga otoridad, papausbong na kontrabando ang synthetic drug na target ang mga kabataang madalas mag-party. Ngunit sa ngayon ay underground ang kanilang operasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.